Sunday, March 27, 2011

Ang Sampaguita

Kahapon, bumili ako ng sampaguita para isabit sa  holy family crucific namin...
Yung cucifix, nakalagay siya sa ibabaw ng TV stand na sobrang taas.  Kahit tumuntong pa ko sa upuan, hindi ko pa rin maabot.  Triny kong gamitin ang sword at ibang mahabang toys ni Yuan para maisabit yung sampaguita sa crucifix pero hindi ko mailagay....  After several tries, I gave up.  Inisip ko, kay Paul ko na lang ipalalagay, malamang effortless sa kanya yun.

After magbreakfast ni Paul, I said "Daddy, patulong naman palagay ng sampaguita sa crucifix"... at pagturo ko sa crucifix, nakita ko may nakasabit na isang string lang ng sampaguita (6 kasi yung tinatry kong isabit)... Natuwa ako kasi naisip ko na kusang inilagay ni Paul  yun kaya nakangiting sabi ko "Ay Daddy, nilagyan mo na?"
Sabi ni Paul:  Hindi ...
Beng:  Weh, eh hindi ko nga mailagay yan kanina kasi lumulusot dun sa sword...
Paul: Swear honey, hindi talaga ako ang naglagay niyan.

I'm not sure kung hindi ko lang ba napansin na may nailagay akong isa out of 6 na ilalagay ko, pero 99% I'm sure wala kasi otherwise, matatandaan ko yun kasi matutuwa ako sa achievement ko.  Deep inside, I knew dinalaw ako ni Lord, hindi ako kinilabutan or natakot or namangha.  Natuwa ako... at sa sabi ko kay Paul..."Siguro sabi ni Lord, gusto niya isa lang"  Pero pinalagay ko pa rin kay Paul yung iba kasi sayang naman tsaka parang kulang yung isa lang.

Kinagabihan, habang nakahinto ang Montero sa Ayala cor Edsa, may lumapit na nagbebenta ng sampaguita sa side ko.  Siguro mga 20-30 yrs old yung mama, hindi naman gusgusin, hindi mukhang kawawa.  Sabi niya, "ma'am bilhin niyo na to 50pesos lang".  Sumenyas ako ng hindi.  Usually, pag ganun, umaalis na yung nagtitinda. Pero sya persistent.  Kumuha siya ng 3 strings nun sampaguita at sinabi "Eto na lang ma'am, 20pesos, pangkain lang."  Medyo hindi ko nafeel yung sincerity, siguro kasi nga hindi siya bata or matanda or mukhang kawawa...kaya tumanggi pa rin ako.. tsaka kabibili ko lang nga ng sampaguita nung umaga, tapos kandong ko pa si Yuro so mahihirapan akong kumuha ng pera eh baka mag-go na, magcause pa kami ng traffic.  The man tried to convince me for a few more seconds then he gave up na rin.

The moment he left, bigla akong nagsisi... inisip ko, hindi kaya si Lord yun?  Nun lang may nagtinda ng sampaguita sa akin habang nasa sasakyan, kadalasan nakikita kong nagtitinda sa daan eh pagkain, tubig or franella cloth.  Usually, sa mga driver ng jeep inaalok yung sampaguita.  Tsaka ang tagal nya kong triny iconvince.  Tumingin ako sa likod para tingnan kung inaalok niya pa rin ba yung iba, pero di ko na siya nakita... Lalo akong nagsisi...

Lord, kung ikaw yun,  sorry po ....

Thursday, March 17, 2011

God Bless Japan

I was watching GMA News TV this morning and I was touched by the news delivered by Chino Gaston on how Japanese were coping with the current crisis in their country.

* There's an abandoned food stall inside the Sendai airport where some people are taking shelter.  They're running out of food, but not one dared to take food from the abandoned food stall.

*One grocery marked down the prices of the commodities they are selling.  They limit the number of items a customer can buy so that there will be enough for many people.

*Students on the streets offer free rice balls.

*People line-up for hours but remained calm, followed social order and patiently waited for their turn.

*Most don't want to leave Sendai because they want to help rebuild their community.

*Chino suggested to their driver that since they're running out of fuel, why don't they just take the fuel of damaged vehicles but his driver declined, saying he doesn't want to go to hell...

As one televiewer has texted, God truly knows who to test.... God knows the Japanese can overcome this trial...

To Japan, we learned a lot from you, we salute you and we will continue to pray for you....


Here's a link to Chino Gaston's Journey.
Here's another story on Japanese Resilience during this crisis.

Thursday, February 10, 2011

Isang Tanong, isang sagot...

Kaninang umaga habang nag-eemote ako, napagtripan namin ni Paul gamitin ang Magic 8-Ball app sa HTC nya.
Ang tanong ko kay Paul, pwede bang itest yan, as in "sa east ba sumisikat ang araw?"
Pag-open ni Paul ng app sabi nya "O ayan honey, 'Yes' ang sagot".... hmmmm... may potential...
sinimulan ang tanungan...

Magwowork na ba ako? --- Most likely... hmmm...parang ayaw ko pa ah....
iba na nga lang, Maganda ba ko? --- Outlook not so good.... waaaaaaahhhhhhh....kundi lang mahal yung HTC binato ko na yun eh.
Trying again, I asked, "pangit ba ko?"  --- Better not tell you now...kaasaaaaaaarrrr!!!!
Trying to salvage my self-confidence, I asked naughtily "sige na nga, magaling ba ko?" --- It is decidedly so...hahaha!!! natawa kami ni Paul.... hmmm....pwede, bumabawi...
Isa pang naughty question, "eh masarap ba ko?" --- "As I see it, yes" yeessss!!!  hahahahaha!!!!  tawa kami nang malakas ni Paul...pwede na...
Then I said, "ah gaganti ako sa yo Daddy" and asked the magic-8 ball "Gwapo ba si Daddy?" --- It is certain! waaaaaahhhhhh! mukhang prinogram ni Paul ang app na ito!!! At si Paul, tawa nang tawa sabay sabi "O di ba, tama naman siya eh!"
Next question, "malas pa rin ba ako today?" --- Yes.... nooooooohhhhh!!!!
"Eh bukas, malas pa rin?" --- As I see it, yes.....  hindddeeeeeeeeee!!!!!!

Makakatapos na ba ng writing si Yuan? ---Yes... hay, salamat, may hope pa!!!

---
sinunod ang tanong sa stocks...
tataas ba ang ALI today?  My reply is no.... hayst!
Eh ang ELI? Outlook not so good......patay....
Eh ang MER? Don't count on it.... sagot ni Paul, s"abi sa yo honey eh wala na yan"...
Eh ang SMC? As I see it, yes.... aba, aba ......

naputol na ang tanungan dahil nagising na si Yuro at naligo na si Paul

Nang goodbye kiss time na, pa-emote na sinabi ko kay Paul "ay naku, outlook not so good"
Nakatawang sagot ni Paul "sabi na nga ba honey, kagwapuhan ko lang habol mo sa akin eh."
Sagot ako, "eh ikaw ano habol mo sa akin?"
"yung galing mo! hahahaha!"
may duda pa ba kung kanino nagmana sina Yuan at Yuro sa hiritan? hehehe

During work days, sandali lang ang morning moments namin ni Paul and this morning was certainly a fun one... kahit pa inokray ako ng Magic 8-ball na yan! hehehe. :)

Good Morning World! :)

Wednesday, February 9, 2011

Murphy's Law.....

if something can go wrong, it will go wrong...


For the past days, ang dami kong bad trip experiences,  ito ay isa lang dun, masyado nang personal yung iba..


Nasira ang keyboard ng eeePc ko.  Bago ko pinagawa binackup ko muna files sa Xpc ko.
Nagawa ang keyboard pero bago ko pa man nalipat uli sa laptop ang files, navirus naman ang xpc at nacorrupt ang windows.

Triny kong irepair ang Windows through xp installer cd kaso nag-error yung installer, merong file not found.  Nagsearch ako about the file, normal daw yun sa non-original copies of XP.  Since wala naman akong orig XP installer, nagsearch na lang ako how to make bootdisk (USB) para ilipat ko na lang files through DOs.

Nakagawa ako bootable disk, nagboot pero hanggang DOS prompt lang, walang maaccess na ibang drive.
Giving up and as advised by friends, binaklas ko na lang xpc at sa clumsiness ko, nabali ang kuko ko! as in nagbleed ha!
Anyway, kinuha ko ang harddisk at bumili ng enclosure.  Buti na lang 180 lang ang enclosure for 2.5" SATA HDD sa Cdr-King. At least, hindi gaanong masakit sa bulsa.

Binackup ko ang files sa laptop, at ibinalik ang HDD sa Xpc.  Kinagabihan, Sinaksak muli ang XP installer cd, para magreformat...guess what? ang ayaw gumanang repair biglang nagtuloy!!!! Sabi nga ni Paul "sabi sa 'yo honey, dapat nagrereklamo ka muna sa akin para gumana."

Sa inis ko, hindi ko na inantay pang tapusin ang repair tutal nakapagback-up na rin naman ako at may virus naman yung HDD.  So, nirestart ko ang pc at inistall ang XP.  As advised by friends, pinartition ko ang HDD - 40gig for OS and apps, 120gig for my personal files.   After mainstall ng XP, inistall ko naman ang motherboard drivers, then apps - avira, google chrome, java plugin, messenger.

Kinabukasan, binalik ko na ang files at binackup ko na rin ang pics sa DVD.
Kinagabihan, nagyaya si Yuro manood sa youtube at nadiscover kong hindi gumagana audio...
Chineck ko, corrupt daw ang driver... triny kong iinstall uli from sa cd, nag-fail.  Inisip ko, iuninstall ko uli lahat nung motherboard drivers, then reinstall uli from the CD.  ganun kasi nangyri sa akin dati. Ang problem, hindi ko makita kung saan ko inuunstall.  Nagdownload ako from net ng driver sweeper kaso hindi naman gumana.

Giving up, cinonsider ko nang ireformat uli ang hard disk.  Ang problema, ayaw naman gumana nung XP na cd! as in hindi siya maread!  Ang weird kasi kakagamit ko lang kahapon.  Hindi naman drive ang sira kasi nababasa naman ang ibang discs. hayst....

So naglogin ako sa  online support ng Qube. Tinanong ko pano mag-uninstall, ang sagot sa akin good morning.  Naggood morning din naman ako, then tinanong ko kung nareciv question ko...after 10 minutes, ang sagot "check ko po".  Dahil ang tagal nya magcheck at hindi ko alam kung ang ichecheck niya eh yung question o yung sagot, tinype ko na lang uli yung question.  After a while ang sagot, "pakireformat na lang po uli"! Eh di nga ako makapagreformat di ba, kasi ayaw gumana nung XP installer ko kaya  tinanong ko kung wala bang ibang way, and through phone, sinuggest sa akin na magdownload na lang from website ng Shuttle nung driver baka daw corrupt na yung cd.

24MB yung file, malas pa rin ba ko? Well, at 19.6MB hindi na nagtuloy ang download.  Cinancel ko at triny idownload uli. As of this writing, mukhang huminto na uli sya at 1.5MB!!! grrr....

So para saan ang post na ito? pang alis irita!
Tsaka madalas kasi, pag nagrereklamo ka sa mga kabwisitan mo sa buhay, bigla silang umaayos, parang nauusog, parang gusto ka lang ipahiya! hayst... So yun ang wish ko, matapos ang kamalasan ko... hindi lang dito, pati sa ibang aspeto...malapit nang magFriday, baka sumama pa sa Clark ang malas na iyan!!!

Oh and by the way, suggestion ng friend ko, asin ang pampaalis ng malas, gagawin ko rin yun!

whooo... saaaaa.....

----
update:
Matapos kong ipost yan, cinancel ko ang ayaw magtuloy na load, at inistart uli ang download.  Iniwan ko ang PC at naligo.  Sabi ng friend ko, lagyan ng asin ang pampaligo, so habang hawak ang salt shaker, para akong pari na binindisyunan ang timba ng tubig ng konting asin.
Matapos maligo, chineck ko ang status ng download. Aba! natapos! effective ang reklamo at asin. Ang kaso, nang irun ko, nagfail din! Triny ko uli isaksak ang XP installer baka gumana na, hindi pa rin! So no choice, bili na ng bagong installer.
Matapos sunduin si Yuan, triny ko ang bagong biling installer.  Smooth naman ang pagreformat at pag-install.  After mainstall ang Windows, ininstall ko na agad ang motherboard drivers.  At ng marinig ko ang startup sound ng Windows eh para akong nakarinig ng music...first time ever naappreciate ko ang sound na yun! hehehe.
So, nakangiti na ko at brinodcast ang success ko sa FB.  Next install, Avira.  After mainstall, nagwarning, may malware sa windows file! waaaaaaaahhhhhhhh!
Since wala na kong ibang choice, triny ko na lang uli yung lumang installer. Aba! akalain mong gumana?!!! Nagreformat uli, install XP, install motherboard drivers.  Muling ngumiti nang marinig ang startup sound.  At lalong ngumiti ng iinstall ang Avira at wala nang warning!

hay, kakaloka di ba? yan ang patunay na minsan talaga mahilig magtrip ang tadhana.  At ako ay napagtripan nitong mga nakaraang araw. Nabadtrip ako, pero ang importante, ako pa rin ang nagwagi sa huli !!!!

hahaha! curse you malas! asin lang ang katapat mo! beh! :p

Wednesday, February 2, 2011

Unli-feel

I was surfing the net when I landed on this site (http://www.lovefatedestiny.com) .... for a while I enjoyed reading through sms quotes and is sharing them with you.  Medyo corny man ang dating sa iba ngayon, I know minsan sa buhay ng bawat isa sa atin, nag-emote at kinilig din tayo sa text. :)


i may not b der 2 c u smile & laugh..
i may nt b der 2 com4t u from pain..
i may nt b der wen u ask me 2,
but dnt 4get dt i always pray &
say "God, luv ko yan.. wag m pbbyaan"

d ako perfect frend, la pera, ala gimik,
wa car in short poor lang..
but wen d tym comes dt u'll nid sm1 2 lean on,
grabeh kahit ganda lang ang meron ako,
d kita iiwan!

bat pg mahal mo, khit paubos n load mo ttxt mo prin..
pro cya nmn d man lang mgwang mag reply..
mahal k b nya? o habang tntxt m cya,
may ktxt cyang iba! sakit noh?

mhlaga dn pla n pminsan mnsn eh d tau ngttxt,
hindi ngka2usap, at least ngka2roon ng
gamit at kahulugan ang mga salitang..
"uy! miss n kta! tkecre!"

minsan ang love prang ibon..
kailangan pakawalan, kailangan palayain..
babalik un kung sau.. pero kung hindi,
hayaan mo na bka mas MASAYA sya s twit-twit ng IBA!

alone? i'll be ur company..
afraid? stay behind me..
sad? i'll make u happy..
lonely? i'll hug u tightly..
money? HUG nlang ulit, mas mahigpit!...

lam mo?! minsan d ko lam kung bkit d k nagttxt?
! nagtitipid k lang ba?! wlang time?!
o nagpapamiss?!
kc lam mo, kung nagpapamis ka, effecive e..

minsan naupo ako, nag-isip ako at bigla akong naiyak..
biglang dumating c Lord at pinunasan ang luha ko at cnbi,
"sbi ko nmn sayo d cya pra syo ipinilit mo pa.."

n2ral lng s kaibigan ang mag-alala,
n2ral lang maglambing s kanya..
n2ral lng ang mmis mo xa..
e ang ma inlove s kanya, n2ral p b?

wud u mind if i say i miz u?
maybe u wudn't find it interestng..
maybe uL say "so pki ko?"..
cge its ok khit ano p sbihin mo..
basta ako miz n kita.. pki mo?!

bkit s skul.. lesson muna bago test??
makakapag-aral k pa bago ang test!
pro bkit d2.. s 22ong buhay,
test muna bago m mlman ung lesson?! hirap noh?

minsan ang buhay nkkwlang gana,
mdalas gus2 kong 2mlon nlng kung saan,
2makbo hanggang mpilayan,
at wg ng huminga mgpakylnmn..
pro, sayang eh... ang ganda ko pa nmn!