Yuan is growing up like his Dad, simple humirit. Here, I've compiled some of Yuan's witty hirits....
1. There was one time kwinento ko sa kanila ng daddy yung isang incident habang pinapaliguan ko si Yuro. Feeling ko sobrang nakakatawa kaya habang nagkwekwento ako, tawa ako nang tawa. Pagtapos ko magkwento, ang hirit ni Yuan... "Nakakatawa ba yun mommy?" grrr...
2. One problem with Yuan is sobra siyang tamad magsulat. So pag weekend, pinagpapractice ko siyang magsulat. One time, nung showing na ang Transformers 2, na inaantay niyang panoorin sa sine, sabi ng daddy niya na manonood lang siya ng movie kapag tinapos niya practice writing niya. Nung ayaw pa rin niyang simulan at sobrang daming excuse, sabi ko.."Alam mo Yuan, kung ako sa 'yo, sisimulan ko na writing ko para makanood na ko." Ang hirit ni Yuan: "Sige mommy sulat ka na para makanood ka na!"
3. Just last Christmas, habang namamasko kami sa in-laws ko, tinanong ng Lolo niya si Yuan kung magkano gusto niyang gift. Ang sagot ng anak ko..."Kung ako, 2 thousand!" hahaha!
4. Nung ni-lesson nila Yuan sa school ang story of creation, tinanong niya sa akin "Mommy, pa'no ginawa ni God ang light pero wala pang sun?" (Light was created on the 1st day, the sun on the 4th day)
5. One time, habang nasa biyahe kami at kinanakusap ko si Paul:
Yuro (bunso): Eh... hwag mommy usap daddy...
(gusto niya kasi kanya lang attention ko)
Me : Wawa naman daddy, bawal hawak, bawal kiss, bawal usap ni mommy? Eh paalisin na lang natin si Daddy. Wala na tayong daddy!
Yuan: Eh sino na driver natin mommy?!
hahaha, wawang daddy!
6. On our jeepney ride home, may nakita si Yuan na sign "Wanted Tindera". Ang tanong niya sa akin, "Mommy, bakit hinahanap ng mga pulis ang tindera?". hehehe
7. Sa isang seatwork nina Yuan sa Religion, ang tanong eh : "Do you believe in life after death? Why or why not?" Ang sagot ni Yuan: "Why". hehehe!
8. Sa isang seatwork nina Yuan sa Math, ang instruction eh "Write the addition sentence or multiplication sentence". Ang sinulat ni Yuan sa bawat number eh kundi "addition sentence" eh "multiplication sentence"...hahaha!
9. Laging nasspell ni Yuan ang "point" as "piont" sa review namin sa computer. So reminder ko sa kanya bago siya pumasok, "Yuan , ang point una 'o' ha, hwag mong kalilimutan." Sagot ni Yuan, "Ano yun mommy, o-p-i-n-t?"
pag natandaan ko pa yung iba, ipopost ko uli.
No comments:
Post a Comment