Thursday, September 30, 2010

FB files

This is nothing but a compilation of Yuan and Yuro related posts I've made on Facebook.  Wala lang, misan masarap at nakakatuwang alalahanin. Indeed, the greatest perk of being a fulltime mom is experiencing life with your children. :)




Yuro (ayaw ng ulam) : ayaw ko kain mommy. Beng: Hindi pwede, di ba sabi ko kung ano'ng nandyan yun ang kakainin kasi bigay sa atin yan ni Bro? Yuro: si Nanay si Bro?...hehehe, galing kasi kina Nanay ang food namin. :)


Kwento ng nagyayabang na Yuan: "Mommy, sa Makabayan pinasulat kami ni teacher ng makasaysayang pook na napuntahan na namin. Sinulat ko Jose Rizal Park. Doon binaril si Jose Rizal. Sabi ni teacher 1-2 (sentences) daw. Kaya nilagay ko ito ay nasa Calamba!" hahahaha! Okay na sana, pumalpak pa! Sana 1 sentence na lang ang sinulat. :))


Sabi ni Yuro habang nasa kotse: "Mommy, dinosaur oh". Ang curious na mommy tumingin sa labas kung may poster, statue or kahit ano'ng dinosaur. Nang wala akong makita, tinanong ko "Asan?" ang sagot ng nakatawang Yuro "weh, joke lang!"....naisahan ako dun ah, hmpf!!!!


Sabi ni Yuro, "Mommy wrestling tayo...ako dog ikaw puta".....patay tayo diyan! iba na ang bulol ang anak!


Matapos uminom ni Yuro ng tubig, linapag niya ang cup sa kiddie table niya at sabi sa akin "Mommy ubos na o, lagay mo na dun" pointing to the dining table. Dahil may ginagawa ako, sabi ko "Dyan na lang muna, ba't kailangan ko pang ilagay dun?" Ang sagot niya "Kasi pag nabasag ko 'to papagalitan mo ko."...hehehe, maypoint siya dun, kaya sumunod na lang ako. :)


Habang nagplaplantsa, sinabihan si ayaw sumunod na Yuan ng "Yuan, pwede ba mag-aral ka na lang diyan?" at kay malikot na Yuro naman "Yuro, tigilan mo yang pagtumbling-tumbling mo, baka mabalian ka". Ngumiti lang si Yuan, si Yuro ang sagot sa akin ay...."Mommy, plantsa ka lang pede?"....minsan napapaisip ako kung mag-3 yrs.old pa lang ba talaga 'tong bunso ko eh.


Nag-away si Yuro at ang pinsan nyang 3 yrs old. Tinawag ko sila pareho para ikwento kung ano nangyari. Sabi ng ngumangawang Yuro "ayaw ko nga kwento eh!" Kaya ang sabi ko sa pinsan niya "Sige, Liam, ikaw na lang ang magkwento." Tumayo si Liam, humarap sa akin at sinabi "May isang bata..." hahaha! nagkwento nga! :D


Overheard Yuan and Yuro fighting and shouting "ang pangit mo" and "mas pangit ka" to each other. After several exchanges, umiiyak na tumakbo sa akin si pikon na Yuro and said "Mommy, si kuya oh, sabi pangit daw ako kaya sabi ko pangit din siya"...Ang sagot ko, "Ah okay, e di pangit kayong dalawa?"....Sumigaw ang Yuro ng "Hindi ngaaa!!!!" sabay ngawa!!!! hahahaha! ang sarap mang-inis ng pikon! :D


Upon hearing the story of Adam, Eve and the evil serpent, Yuan asked "Mommy, di ba si God ang gumawa ng lahat ng animals?" Mommy: "Opo."...Yuan: "E di siya gumawa dun sa bad snake?" ... Mommy: "Opo.".... Yuan: "Ba't niya ginawa yun?".... Mommy : "Di ko rin alam eh.".....


Quiz ni Yuan sa Filipino, given ang Pangngalang Pantangi (Safeguard), required ang pangngalang pambalana....ang sagot ni Yuan, "guard" !!! hahaha, pasensya na, Dove ang sabon ng anak ko eh. :)


Gustong umiyak sa sobrang galit, pero pati yun di ko magawa kasi mamasa palang mata ko, ngangawa na si Yuro....kaya dito na lang ako iiyak...hu hu hu hu hu hu hu...waaaaaahhhhhhhh......


Yuan: Mommy, bakit pag 10 years old na, wala ng birthday party? Beng: Ano'ng 10 years old? 7 years old ang huling birthday party! Kaya ikaw, wala kang party sa birthday mo!.....after a while narealize ko, parang hindi ko yata nasagot ang tanong ng anak ko, feeling ko kasi nagpaparinig lang siya....hehe


Referring to Yuan's score in a quiz. Beng: Yuan, bakit 12 (out of 20) ka lang dito, naaral na natin 'to di ba?! Yuan: Meron nga dun 2 lang eh!!!.....tameme ako, as in...wala akong masabi sa pangangatwiran ng anak ko.


Beng to kids: Tulog na, matulog na!..Yuan: may nalilimutan ka mommy... Beng:ano yun?... Yuan: I love you, mommy... Ang sarap malaman na mahalaga pala sa kids ko ang nightly iloveu-han namin. :) Gud nyt every1. Sana may ka-iloveu-han din kayo. :)


Minutes palang brownout ang sambit agad ni Yuro eh "Mommy ang init, paypayan mo nga ako." Hay, hirap maging alipin. Kung d lang cute 'tong anak ko binatukan ko na 'to eh...hehehe...


Matapos ang gera sa bahay.....Yuro: Mommy, sana di ka na galit kay kuya ah. Beng: Bakit ayaw mo ko magalit kay kuya? Yuro: kasi iyak din ako pag iyak ka eh....hay, ang sweet talaga ng bunso ko. 


Tip for the Day (galing kay Yuan) : "Mommy, sabi ni teacher kapag may nawala ka, kunwari toy o kahit ano, hahanapin daw yun ni St. Anthony pag nagpray ka sa kanya" ....hmmm....so pag may kausap ka na parang nawawala ang utak, sabihan mo ng "magpray ka nga kay St. Anthony!" hehehe


Ay naaapakan ni malikot na Yuro habang kinukuha ko ang sinampay.... Beng: Yuro, ano ba! Tingnan mo, ang dumi na tuloy ng paa ko. Yuro: eh kasi nakaharang ka dyan eh... Hay naku, ang mga anak ni Paul....


Yuro: Mommy, bakit matulis kuko ng dog? Beng : Di ko alam eh. Yuro: Bakit nga? Beng: Eh di ko nga po alam. Yuro: Kasi dog siya kaya matulis kuko niya!.... Ang ngokngok ko, simple lang pala ang sagot di ko pa alam!


Napanood ni Yuan ang kissing scene (ng puppets) sa Karate Kid movie. Ang reaction niya... "Eeeeeewwwwwww". Yebah! Bata pa talaga ang anak ko, ako lang ang pwedeng magkiss! hehehe


Pinuri ko si Yuan kasi perfect ang seatwork sa Religion book. I said, "Wow kuya very good, ibig sabihin nagbasa ka (hindi nanghula)" And he proudly replied, "Nakapikit pa ko niyan mommy!" toinks!!! Binatukan ko nga...magyayabang lang, palpak pa!


isang napakaagang nakakabagabag na tanong mula kay Yuan: "Mommy, ba't ang liit ng boobs mo?" grrrrrr.......walang kaduda-duda, anak ni Paul ang batang ito!!!!


Yuan: Mommy, bawal ba yung namimili ang taxi driver ng passenger? Beng: Opo, bawal yun. Yuan: Ano yun mommy, venial sin or mortal sin?......patay tayo dyan!


Ang favorite expressions ni Yuan lately ay "Fine!" , "Oh Great!" at "Bloody Hell" , pero ang pamatay eh yung kay Yuro, "What da hey!"....Minsan napapaisip na lang ako kung anak ko nga ba itong mga ito! :D


Beng : Yuan, linisin mo nga yang kwarto mo. Yuan: Ano ba marumi sa kwarto ko, mommy? Beng: Ayan o, ang daming nakakalat. Yuan: Eh mga toys ko yan mommy, natutulog sila. Beng: Ah ganun ba? Sige, gisingin mo na at tanghali na! .... Ay naku, ang mga bata ngayon, ang nakakachallenge ang pangangatwiran


(Naiinis sa bagal kumain ni Yuan) Beng: Yuan, ano ba! Yung pagkain mo! Aba...ba..ba..ba..ba!!!!! Yuan: Baa baa black sheep? (sabay ngisi) Hay naku, ba't ko naituro ang nursery rhyme na yun?!


Kung ang panganay mo ay isang malaking asar at ang bunso ay isang malaking pikon tapos pareho silang malaking whiners...what do you do? what do you do???!!!

Yuro Strikes Again

Habang naglalakad kami papuntang tindahan, walang humpay sa kakadaldal si Yuro.  Nang makarating kami sa tindahan, sabi niya:
"Mommy, ikaw na sabi pabili Royal ha, kasi pagod na ang bibig ko."  Hahahaha!

Nung kinagabihan, kwinento ko kay Paul yun sa harap ni Yuro.  Ang comment ni Paul:
"Aba, napapagod din pala ang bibig mo?"

Ang sagot ni Yuro: "Syempre, kasi ang daldal-daldal ko eh."

Hahaha! :D