Tuesday, March 23, 2010

In his words...

I've mentioned in one of my posts that Yuan is growing up like his dad - simpleng humirit, so I thought I'd also post some of my favorite quotes from Paul.

1. Most sincere and romantic:
Setting: Summer 1996, EA Tambayan, courting stage pa lang.
Paul: Kung magiging tayo, ayokong basta fling lang gusto ko may pupuntahan, I want you to be my wife.
I was so touched that I hugged him, maya-maya ayan na si Mang Jack at sinabing konting layo kasi may mga incoming freshmen sa campus. hahaha!

2. Most flattering:
Setting : Sa email, year 2000, pag-uwi ko sa Manila after visiting Paul sa Phoenix.
Paul: Sabi ni *** nakita niya yung dala mong Bridal magazine, tapos na raw ang maliligayang araw ko. Ang di niya alam, mas magiging maligaya ako pag kasal na tayo.

3. Most Passionate (at least, the most wholesome na pwede kong ipost):
Setting: Singapore, 2005
I was fast asleep when I felt na may gumagapang sa akin, I found it so difficult to open my eyes as I was so sleepy. Siguro napansin ni Paul kaya ang sabi niya: Honey, sorry ha, alam ko antok na antok ka pero gigil na gigil ako sa katawan mo."
Hehehe, yan ang nangyayari sa mga natutulog nang nakatank-top at boxer shorts.

4. Patawang pasweet: (early this year)
Napost ko na to sa Facebook:
Habang bumibili si Paul ng leather shoes:
Paul: Parang Vic Sotto.
Beng: Hanggang shoes lang yan, di ka makakakuha ng Pia.
Paul: Di bale, may Coney Reyes naman ako!
(Ganun ba ko kataba? Pwede namang Dina Bonnevie, di ba? Pero Coney Reyes talaga ang sinabi!)

-------------

Morning hiritan:
Beng: Daddy maganda ba ko?
Paul: Oo naman honey (parang pilit)
Beng : Eh ba't pag tumitingin ako sa salamin, tingin ko ang pangit pangit ko?
Paul: Sa loob kasi ako tumitingin, honey!
Kakaiba! Di ko alam kung matatouch ba ko o maiinis!


5. Simpleng prangka (just recently):
Beng: Daddy, oki na ba sa 'yo tong payat ko? Magpapayat pa ba 'ko?
Paul: Oki na yan.
Beng: Pataba pa ko?
Paul: No.
hehe, pag magpataba, firm na "No" ang sagot!

No comments:

Post a Comment