My 2-year old bunso, Yuro, is just sooooo talkative. As in mas madaldal pa siya sa kuya niya. Kahit saang usapan, nakikisingit. Pag may di naintindihan, malinaw na malinaw ang pagtatanong ng "Ano sabi mo, mommy?" He can count from 1 thru 10, knows the basic colors, can sing ABC (although may bubol sa ibang letters) and kids' songs like Happy Birthday, Old MacDonald, Twinkle Twinkle, Mary Had a Little Lamb. Pati Nobody, Paparazzi at Poker Face tinatry kantahin.
One time, he wanted to use his daddy's gel. I said, hindi pwede kasi pang-daddy lang yun. Then he answered "Pang laki tiyan lang yun, mommy?" hahaha!
And minsan bigla-bigla lang ding magsasabi ng "o, kulangot" after taking out a booger or "wait, utot muna Uyo" hahaha!
Minsan, tinanong ko siya ng "Love mo ba mommy?" Ang sagot niya, "Sobra". Kiniss ko siya and then tinanong ko uli ng "Love mo ba mommy?" Sumagot uli siya ng "Sobra". Then sinabi ko "ang sarap naman, isa pa nga. Love mo ba mommy?" Ang sagot niya (sweetly) "Tama na." hahaha! Actually kahit pag pinapakanta siya, swerte na yung maka-2 ulit. :)
Alam na alam niya ang difference ng boy sa girl. Ang boy "meron totoy" Ang girl "meron p*kp*k" hehehe
Hindi pa complete ang letter sounds niya, ma-"t" ang ibang words like:
bakit - "batet"
asan - "atan"
and syempre and pusa eh....."pu*a". hahaha
And when you ask him, ano name niya, "Uyo Umali"
No comments:
Post a Comment