Tuesday, March 30, 2010

The School Year that was

Hay, another school year has ended. Here's a summary of what transpired in my being a fulltime mom of a second grader.

1. Walang kamatayang kopya ng notes. Up to the very last day, nangokpya ako ng notes. Ilang beses kong inayakan si Yuan, pinagalitan, pinagpractice pero wala, wala talaga. This is so humbling kasi I have to approach mommies and ask kung pwede kumopya, syempre nakakahiya rin kasi natatagalan silang makauwi. Pero I did it every single school day, kahit gaano nakakahiya ginawa ko para sa anak ko.

2. First time ever to fail in Math test. This was my first disappointment this schoolyear. One na at first hindi ko matanggap. Lalo na nung nakita ko yung test paper and triny ko pasagutan kay Yuan and kaya naman niya. Nainis ako kasi nanghula siya, hindi siya nagbasa. Buti yung succeeding tests oki na.

3. First line of 7 sa card - first grading Filipino. Another disappointment.

4. Second line of 7 sa card - 3rd grading Computer, 79! This one iniyakan ko nang husto. Not because I was disappointed at Yuan but because I was so angry dun sa teacher. Ang sabi ba naman sa akin eh makulit daw si Yuan! Paano magiging makulit ang anak ko eh 93 sa conduct yun! Tsaka obvious namang hindi niya kilala si Yuan kasi nung kinausap ko siya eh tinanong niya pa kung ano nga ang pangalan ni Yuan! Walang seatwork sa book, walang assignments, walang sulat sa notebook, san niya kinuha ang grade? Once a week lang magkita, line of 7 pa grade! Pero ang nagpainit talaga ng ulo ko eh yung comment na makulit si Yuan kasi obvious na nanghuhula lang siya! Ayun, ngayong fourth grading 89 na grade!

5. First time to visit Villamor Airbase, thanks sa field trip. :)

6. Syempre nadagdagan ang friends na mommies. :)

It's been a year of challenges, disappointments, tears, laughters, friendships, pride, realizations and acceptance. Pero since lahat ay para sa anak ko, everything was worth the time and effort.

No comments:

Post a Comment