--- pangit ang interiors, mukha ngang kitchen. Ang maganda lang dun may mga divisions sila, so kung may group meeting kayo, pwede nila close yung isang area for you.
--- when I saw that big buddha-like figure inside, I easily recognized that this used to be Temple Bar and Restaurant, one of my favorite restaurants in Greenbelt nung nagwowork pa ko. Kaya lang ang Buddha na dating gold, pininturahan ng gray. Yup, hindi silver, gray! Siguro binagay na interiors, pero ang pangit tingnan.
--- ang food, very very oily! Yung pad thai, so so lang lasa. Ang salted garlic squid, you have to eat the fried garlic together with the squid para ma-appreciate mo. Ang fried kangkong, sus me! kasama ang stem! ngayon lang ako nakakita ng ganun. Walang panama sa fried kangkong ng KKK. Ang green mango shake hindi rin gaanong masarap.
--- yung nauna sa aming kumain, nung umuwi ang daming pinabalot. Yung katabi naming table, halos hindi nangalahati ang bawas sa food. Kami, ang daming tirang kangkong, di na namin pinabalot, di naman masarap eh.
Verdict: Hindi magtatagal ang restaurant na ito.
No comments:
Post a Comment