Wednesday, June 2, 2010

Review : Pig Out @ Solenad,Nuvali

--- small servings, too pricey

--- yung high chair parang kasing taas lang ng regular upuan nila, mataas kasi yung table

--- bbq : mas masarap pa yung tig-10pesos na street bbq dito sa amin

--- buko shake : bland, at parang ang konti ng ice

--- chicharon rice: pwede na

--- Calamari: ang itsura eh kagaya nung binebenta sa kalye, di tulad nung usual na parang onion rings. pero oki naman lasa at malambot naman yung squid, pwede na.

--- di ko alam kung oki ba yung tuna belly and papaya shake na inorder ni Paul. Di ko na tinanong, basta di niya naubos yung tuna belly.

--- worst part: the dance. ewan ko kung bakit meron sila nito, feeling Hooters? at least sa Hooters, yung nagsasayaw nasa ibabaw ng upuan, tapos naghuhoola-hoop, at sa suot nila, kahit YMCA lang ang sinasayaw maganda pa rin panoorin. Eh sa Pig Out, sus me! Yung leader kahit nakauniform (checkered polo and shorts) nakatsinelas naman (siguro hindi niya duty) at siya lang ang matinong sumayaw. At ang nakakainis nakisali pa yung store manager and ibang male servers, eh hindi naman marunong sumayaw! Kaloka! Oki lang sana kung Christmas Party yun kung saan okay lang mapanood ang boss na sumasayaw kahit di marunong kasi boss yun. Pero goodness, customers ang audience nila no! They should have left the dancing to those who can do it. Tatlong kanta pa naman ang sinayaw at may pa-cheer=cheer pa.

Bottomline, di kami babalik dun.

No comments:

Post a Comment