Sunday, June 6, 2010

Hiritan...

--------------------- YUAN ----------------------------------

Pinapagalitan ko si Yuan kasi ang bagal-bagal kumain. Ayaw nguyain yung pagkain, binababad sa bibig.

Beng : Yuan, ano ba, nguyain mo nga yan! Hwag ka kasi kung saan-saan tumitingin eh. Tingnan mo lang yang bibig mo para di mo malimutang kumakain ka!

Yuan: Paano ko titingnan bibig ko mommy? Sige nga?

Pinigil ko ang tawa ko kasi kailangan kong mag-emote na galit ako. Pero oo nga, wala ngang sense ang sinabi ko! hahaha!


---------------------- YURO ----------------------------------

Nakita ko si Yuro na uninom ng C2.

Beng: Yuro, di ba sabi ko mamaya na uminom ng C2 pag tapos nang kumain?

Yuro : nasa bibig ko na ang C2 mommy, nasa bibig ko na!

Hmmmm....huli na nga naman ang pagsita ko...


-----------------------PAUL----------------------------------

Nakita ako ni Yuro na kumukuha ng tubig sa gripo.

Yuro: Ano gawa mo mommy?
Beng: Kumukuha ng tubig.
Yuro: Batet?
Beng: Kasi magdidilig ako ng plant. Hindi pa natin nadidiligan, galit na yung flower.
Paul(with a naughty smile on his face): Honey, ako na magdidilig, galit na ba yung flower?

Kakaloka! Lahat, may double meaning kay Daddy. :)

No comments:

Post a Comment