Scenario 1: Dineadma ang invite. Kakaloka di ba? Importante sa yo yung tao kaya mo nga ininvite eh, kasi gusto mong makasama siya sa special occasion mo, tapos deadma lang? Ni hindi man lang nagsabi kung natanggap ba nya ang email/text or hindi. Magfollow-up ka after a few days, sasabihin hindi siya makapunta. Kakairita! Ganun ka-importante kailangang ifollow-up?! Isa lang ibig sabihin nyan, the receiver doesn't care....hay.
Scenario 2: "Titingnan ko". I usually send out invites at least two weeks before so friends could mark their calendars early and minsan nakakatampo rin when the answer would be "titingnan ko" which would end up as "cannot make it" a few days before the event. Ang ibig sabihin nyan, nung nareceive ang invite mo, free pa siya pero baka may event na mas importante sa 'yo, dun siya pupunta! In other words, secondary lang.... Nakakatampo kasi you gave importance to someone and yet hindi ka pala ganun kaimportante.... I love friends who say "sure na yan ha, mark ko na calendar ko" or pagkatanggap ng invite kayang-kayang sumagot ng "sure, punta me" or "sorry, may plans na ako" or wala bang ibang date?" (kung kitakits).
Scenario 3: Hindi ka nainvite. Hehehe, as a guest, nakakatampo rin pag hindi ka nainvite....kasi ibig sabihin, you are not important enough to make it to the guest list. Minsan nga, kahit alam mong hindi ka naman makakaattend, nakakatampo pa rin na hindi ka nainvite, lalo na kung yung iba nyong friends eh nainvite...kasi ibig sabihin, hindi ka kasing importante nung iba! hahaha! Of course, kung friend talaga ang turing mo sa host, you will understand, although may hurt pa rin. hahaha!...hurt sa ego! hehehe :)
Scenario 4: Nainvite ka pero ayaw mong mainvite. Hehehe, eto ang other side nung scenario 1, so chances are, deadma ang react mo! hahaha! Pero para mas effective, dapat magrespond ka na lang after the event, sabihin mo, nun mo lang nabasa with matching "sayang!" hahaha! joke. Bad yun, be honest, sabihin mong may plans ka na, kahit wala pa! hehehe, joke lang uli. Ang importante, respond promptly and in a polite manner. :)
Anyway, sa lahat ng scenarios na 'yan ang bottomline eh, feeling feeling lang 'yan. Kung ayaw mong mahurt ang feelings mo, hwag kang magpaka-feeling. Kailangang tanggapin na hindi porke't importante sa atin ang isang tao eh importante na rin tayo sa kanila. Ang maganda sa invitation scenarios eh somehow we realize kung ano tayo dun sa taong iniinvite/nag-iinvite sa atin. Remember the walang kamatayang quote na: “Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option”....Ang problema ko, ako ay isa sa maraming ngok-ngok na hanggang ngayon ay hindi makasunod sa advice na iyan....hay....
No comments:
Post a Comment